Wednesday, February 22, 2017

Nagpapansin

Isang matinding hidwaan ang namamagitan sa mga departamentong kinalalagyan natin. Matinding bugso sa damdamin ang nagsimula rin dahil dito. Maaaring ako lang ang nakararamdam pero sana mapansin mo ako kahit hanggang bestfriend lang ang tingin mo saken. Sana lumago  ang samahan natin at sa huli makuha ko rin ang puso mo. Sana bago man lang tayo magkalayo, maisipan mo ring isulat sa isang blangkong papel ang nararamdaman mo. Sana sa huli mapansin mo rin ang hiyaw ng puso ko. Sana mapansin mo ako hindi lang sa social media, pati na rin sana ang hiyaw ng aking sulat para sa'yo. :)

Saturday, August 6, 2016

Gloomy Afternoon Thoughts: Tipo sa Babae

Ano kayang wala sakin?
Anong meron ang iba na wala ako?
Anong meron sila na mas maganda kesa saken?
Di ba masama ang mainggit? Pero, bakit parang sadya nila akong iniinggit?

Hanggang sa ngayon, wala pa rin akong karelasyon kahit taong nagkakagusto saken.

Masyado ba akong masama?
Masyado na bang nagbago ang ugali ko?
Masyado na ba akong bastos?
Masyado na ba akong mayabang?

Palagi na lang ako inaasar sa mga babaeng magaganda. Sila ang naghuhudyat sa mga natutulog kong damdamin. Oo, masaya sa mga unang pagkakataon na kayo ay maguusap ngunit habang tumatagal, tila ba'y dama mo na din ang pagkasawa o di kaya'y nakikita mo na ang tunay na pagkatao.

Hindi man ako gaanong gwapo ngunit may mga katangian talaga akong hinahanap sa babae. Metikoloso na kung tawagin pero kailangan yan para hindi ka magsisi sa huli. Masayang makasama ang babaeng madaling mapatawa o kaya magaling sumakay sa mga gusto mo. Masarap din kasama ang babaeng madaldal at makwento. Syempre di nawawala sa gusto mo ang pagiging cute o maganda ng babae. Pero mas mahuhulog ka talaga sa babaeng maganda ang ugali at tila ba'y walang kaartehang taglay sa katawan.

Alam ko namang hanggang pangarap na lang siguro ang ganyang babae pero di ako titigil sa pangangarap dahil alam kong isang araw, matutupad din ang ating mga pangarap. :)

-nabs

Wednesday, August 3, 2016

Larawan ng Pagmamahal

Akala ko kapag matalino ang isang tao, hindi na siya maloloko ng iba.
Akala ko kapag matalino ang isang tao, di na siya magpapadala sa mga pangako.
Akala ko kapag matalino ang isang tao, di na siya masasaktan sa larangan ng pag-ibig
Akala ko lang pala yun...

Ang totoo kahit sila ay nasasaktan din pala sa pagibig. Ang totoo mas hirap silang humanap ng taong seseryoso sa kanila, at taong makikiride on sa trip nila. Nakakalungkot isipin ang nangyayari sa kaibigan kong ubod ng talino. Nangako pa siya siya na walang iwanan pero sa huli siya rin pala ang unang lilisan sa relasyong nabuo ng ilang taon dulot ng kanyang pagiisa. Dumating ang kaibigan ko ngunit siya lamang ay naging pamalit panandalian. Isang larawan lamang siya ng pagkatao ng taong minsan niya pinangarap na maging kasama sa hirap at ligaya. Naging masaya ang bawat araw sa piling ng isa't isa. Sabay silang umuwi galing sa eskuwelahan, palaging magkausap mapa-facebook man o personal, palaging makasama sa loob ng silid-aralan. Tila ba'y eto ang hudyat na lumalalim na ang kanilang samahan hanggang nakaraang buwan laman ay biglang nanumbalik ang tamis ng samahan ng noong akala kong kasintahan ng kaibigan ko sa tunay niyang gusto.

Ang mundo ay biglang nagunaw sa kaibigan ko kasabay ng paglamig ng bawat pangyayari at, oo, nawala na ng lubusan ang tamis na dati ay tila ba'y di na mapaghihiwalay ng ninuman. Ang kaibigan ko lang pala ay nagsilbing larawan ng kasintahang habambuhay niyang pinapangarap. Walang magawa ang kaibigan ko. Kahit ang matalinong tao walang magawa sa panahong lilisan na ang mahal mo at iiwan ka na para hanapin ang tunay nilang mahal. Ganyan siguro tlga ang buhay.

At sa huli, hindi siguro lahat ng gusto mo mapapasayo

-nabski

Friday, July 29, 2016

Midnight Thoughts: Being Famous

I entered college as a normal student who goes to school 6 times a week, a student who used to go to internet cafe and play with my friends. A student who never thought he would have done something good something in his life until he met someone. Someone who have made a difference in his life. Someone who gave me a chance to prove myself that I am more than a person that I already thought I was. Someone that changed my life forever.

That day, I became a superstar in the very eyes of the organizing body. I was like a superman-like person that saved them in that crucial moment. They really looked up high on me and started praising me for what I did. And exactly that moment, I realized that everyone in that place is already like my friend 'cause they cared for you like you were a VIP to them. But, like all things on earth, things come to an end. One day, they would stop caring for you. Then, they would start ignoring you like they never knew you existed. After that, you will feel the loneliness inside. It is just me who is left to care for me. Everyone that I knew is now acting so cold on me because, right now, I am no worth to them. I am just a student who never excel in anything but being a hardcore technical person.

This is just saddening :(

Thursday, July 28, 2016

Bumabalik

Malapit na magisang taon simula nang kayo'y nagpasiyang gawing legal ang relasyon. Masaya kayo sa piling ng isa't isa. Lagi kayong nagsasabay kapag uwian, kumakain ng sabay, magkausap sa personal at sa Facebook. Tila ba'y walang makakapaghiwalay sa inyo sapagkat ang buong araw niyo ay nakatuon sa pagpapasaya ng bawat isa.

Pero dumating ang panahon na kung saan darating at darating din ang problema. Nagaaway minsan kahit maliit na bagay lang ang pagtatalunan, hindi nagpapansinan kasi nagseselos sa makakasama ng bawat isa, wala nang oras para makapagsaya, nababawasan na ang sabik na makapiling ang titaong minsan mong tinuring na pinakagusto mong mapaiyo. Bakit nagkakaganyan? Minsan mo ding nabanggit sa akin na ang pagkagusto mo sa kanya ay hindi nagbabago simula ng kayo ay magkaklase nung hayskul. Ang mga pahiwatig ng kilos mo ay parang siya na ang pinakagwapo at pinakakinakasabikan mong mapaiyo. Pero ngayon na dahil sa pagseselos, kawalan ng oras at kahit onting 'di pagkakaunawaan halos ipagtabuyan mo na siya at nawawala na ang tamis ng samahan. Mahal mo siya 'di ba? Kung mahal mo talaga siya, walang away na di nareresolba bago matulog sa gabi, walang away na palalalain ng walang dahilan.

Sa tuwing nagkakalabuan kayo, nagaaway kayo, at di nagpapansinan, tyaka mo lang naalala ang pangalan ko. Tyaka mo lang naiisip na kausapin ako at kamustahin ako. At eto naman akong tanga, na kahit kelan di mapapasayo, na gagamitin na ang pagkakataon para makalapit at makausap ka, na laging nasa tabi mo lalo na sa panahong pinakamahina ka, at taong andiyan sa tabi mo hanggang magkasundo ulit kayo at muling ako'y malimutan. Sa mga pagkakataong ito, ako muna ang pupunas sa mga luha mo at taong pwede mong sandalan, yakapin, saktan kung maari hanggang sa bumuti ang iyong kalagayan at kalooban.

At sa pagsapit ng dapithapon, eto pa din ako nakaupo sa isang tabi habang pinapanuod kayong sumayaw sa awit ng pag-ibig.

Monday, July 25, 2016

Leader-shit

Some people lead because they want to run an organization.
Some people lead because they want to make a difference.
Some people lead because they want to change something.
Some people lead because of the priviledge.
Some people lead because of their own intentions.

But remember a true leader knows how other members of the organization thinks and knows how to control and manage them in anyways possible.

Not making and spreading any false rumors or news, a true leader knows how to respect his team.

Wednesday, February 10, 2016

Again awkward hahha

nagkita kami kanina pero bakit sobrang awkward. Tinanong ko sya kung kamusta na pero hindi siya nagsalita hahaha. waaah