Saturday, September 13, 2014
kaibigan nga ba?
Kung ituring ka niya... Parang kapatid ka. Kilala ka pa nga ng buong pamilya eh. Kilala ka ng ibang friends niya. Lagi kayong magkasabay kapag pauwi galing school. Magkwekwentuhan. Maghaharutan. Magbabaliw-baliwan. Nagsasabihan ng sikreto. Masaya siya kasama at gusto niyo lagi kayo magkasama kahit may trabaho na kayo. At pag ako ang kasama, school - bahay lang kami. walang gala. sapat na ang magkasama kami. :) Wala daw iwanan. Sobrang lapit ng loob niyo na minsan napagkakamalan pa kayong magsyota hahaha. Pero dati yun. Iba na ang panahon ngayon. Nakakilala na siya ng bagong kaibigan. Ang iba ay bad influence pa kaya napapagabi na siya ng uwi, gumagala na. Mga BAGONG kaibigan na mas madalas na niya kasama kesa sakin. Tila ba'y nawala na yung pangako na walang iwanan at laging kasabay pauwi. Hindi na siya nagkwekwento masyado sakin. Madalas na may tinatago sakin. Dahil sa barkada niya, napapagalitan na siya sa bahay. Nasira ang tiwala sa kanya ng pamilya niya. Basta naging darkest moments niya yon. Pero ako ay laging andito. Hindi ko naman siya kayang iwanan. Although, may tampo ako sa kanya. Pag lumalapit siya sakin nawawala yun. Ganyan ko siya kamahal. Pinayuhan ko siya na umuwi na ng maaga lagi at iwasang gumala lagi para ma-regain niya ang trust ng magulang. At ayun bumalik na naman kami sa dati. Naguusap at nagsasabay na naman kami madalas. Pero may napansin ako. Hindi na siya katulad ng dati na sobrang masiyahin. Anong nangyare? Nagiwan ng bakas ang mga naranasan niya sa mga kaibigan niyang bago. Naging mas pilosopo na siya ngayon. Ewan ko ba pero mahal ko siya eh. Hanggang ngayon ganyan siya. Pero natutunan ko na siyang pakisamahan. Ang tanging nangyari lamang ay parang hindi na kami ganun kaclose talaga. mas pinipili niyang sumama sa kanila. Ngunit sino ba ako para pigilan siya? Buhay niya yan at ako ay nandito lamang para i-guide, alagaan at protektahan siya kahit hindi alam kong hindi niya masuklian yun. Ganun ko siya kamahal.
Lalaki ka. Magpakumababa
Kahit na ikaw siguro ang sa tingin mong tama, matutong kainin ang pride. Kahit anong mangyari, ang lalaki pa rin ang simbulo dapat ng pagiging kalmado sa relasyon. Don't hurt her. You will only bring her bruises and will hurt her for real --- physically and mentally. Be nice to a girl and you will live a healthy relationship. Doesn't mean you have to be an underdog. But you have to be patient and let love heal it's wound. Don't let a conflict leave a scar that both of you will suffer for a lifetime. Ako kasi I love her pero pag nagaaway kami hindi na lang ako umiimik. bahala siya dumakdak hahaha mapapagod din yan. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)