Tuesday, September 15, 2015

Kakabit pa o kakapit pa?

Mahigit labing walong taon na ako nabubuhay sa mundong ito pero hanggang ngayon hindi ko din maintindihan kung bakit ang mga tao ay hindi makuntento sa kung anong meron sila. Hindi naman masamang magambisyon para sa mas magandang bagay. Innovation ika nga ang tawag ng mga tao. Oo maganda ito sa pagusbong ng sibilisasyon ng tao. Pero dumating na tayo sa hangganan natin. Nararamdaman na natin ang epekto ng pagmamalabis ng tao na mapaganda ang buhay nito. Nauubos na ang mga likas na yaman natin. Ngunit may pangangailan pa ring nais na matugunan ang mga tao kaya kahit mulat tayo sa katotohanan na pagkaubos ng mga yaman natin, tuloy pa din tayong umaabuso sa paggamit nito para lang matugunan ang ating pangangailangan sa araw araw. Nasisira na ang mundo natin dahil sa aktibidad ng mga tao na tinatawag nilang Innovation.

Ganyan din sa pagibig. Mayroon ka ng kinakasama pero tila ba'y hindi ka pa din nakukuntento sa  kung anong meron ka. Siguro kaya lang humahanap ng iba ang tao ay dahil hindi talaga nila mahal ang isang tao. Pero kung hindi mo mahal, ba't mo paasahin pa ang isang tao? Sasabihin mo na mahal mo siya kahit hindi naman? Cool bang tignan ang isang lalaki na maraming kinakasamang babae?

Sa panahon ngayon, matalino na ang mga tao at alam ng natin ngayon na hindi maganda ang madaming kang nilolokong babae. Isipin mo na lang ang kalagayan at pakiramdam nila pag nalaman nilang niloloko sila. Ansakit nun. Habang ikaw ay masayang nagliliwaliw kasama ang ibang babae, ang babaeng sinaktan mo ay nagmumukmok, maaaring hindi na kumakain, o maaari ding magpakamatay. Masakit ang maiwan lalo na ng taong minamahal mo. Mas tanggap ko pa nga na nagsisinungaling saken ang taong hindi ko kakilala kaysa sa malapit na tao saken kasi kapag mahal mo ang isang tao, ipagkakaloob mo sa kanya ang buong tiwala mosa kanya.

Ewan ko lang. Kung ako sa'yo magdedesisyon na ako. Timbangin mo kung sino ang mas mahal mo at kung saan ka mas sasaya. Walang masama sa pag-ibig hangga't hindi sumosobra. Ikaw naman na babae ay matutong makiramdam at isipin mo ang maaaring mangyare kapag in-entertain mo sya sa buhay mo. Tandaan mo maaaring maging biktima ka rin dito. Kaya habang maaga pag isipan nyo ang mga bagay na yan. Isipin niyong hindi lang kayo ang taong apektado sa usaping yan.


Contentment will come when you drop the search and you live each moment as it comes, Marry yourself to the divine principles of love, honesty, trust and humility, then you shall enjoy this earth with peace and with what you desire most. - Kemmy Nola

written by: nananabs