Thursday, July 28, 2016

Bumabalik

Malapit na magisang taon simula nang kayo'y nagpasiyang gawing legal ang relasyon. Masaya kayo sa piling ng isa't isa. Lagi kayong nagsasabay kapag uwian, kumakain ng sabay, magkausap sa personal at sa Facebook. Tila ba'y walang makakapaghiwalay sa inyo sapagkat ang buong araw niyo ay nakatuon sa pagpapasaya ng bawat isa.

Pero dumating ang panahon na kung saan darating at darating din ang problema. Nagaaway minsan kahit maliit na bagay lang ang pagtatalunan, hindi nagpapansinan kasi nagseselos sa makakasama ng bawat isa, wala nang oras para makapagsaya, nababawasan na ang sabik na makapiling ang titaong minsan mong tinuring na pinakagusto mong mapaiyo. Bakit nagkakaganyan? Minsan mo ding nabanggit sa akin na ang pagkagusto mo sa kanya ay hindi nagbabago simula ng kayo ay magkaklase nung hayskul. Ang mga pahiwatig ng kilos mo ay parang siya na ang pinakagwapo at pinakakinakasabikan mong mapaiyo. Pero ngayon na dahil sa pagseselos, kawalan ng oras at kahit onting 'di pagkakaunawaan halos ipagtabuyan mo na siya at nawawala na ang tamis ng samahan. Mahal mo siya 'di ba? Kung mahal mo talaga siya, walang away na di nareresolba bago matulog sa gabi, walang away na palalalain ng walang dahilan.

Sa tuwing nagkakalabuan kayo, nagaaway kayo, at di nagpapansinan, tyaka mo lang naalala ang pangalan ko. Tyaka mo lang naiisip na kausapin ako at kamustahin ako. At eto naman akong tanga, na kahit kelan di mapapasayo, na gagamitin na ang pagkakataon para makalapit at makausap ka, na laging nasa tabi mo lalo na sa panahong pinakamahina ka, at taong andiyan sa tabi mo hanggang magkasundo ulit kayo at muling ako'y malimutan. Sa mga pagkakataong ito, ako muna ang pupunas sa mga luha mo at taong pwede mong sandalan, yakapin, saktan kung maari hanggang sa bumuti ang iyong kalagayan at kalooban.

At sa pagsapit ng dapithapon, eto pa din ako nakaupo sa isang tabi habang pinapanuod kayong sumayaw sa awit ng pag-ibig.