Wednesday, August 3, 2016

Larawan ng Pagmamahal

Akala ko kapag matalino ang isang tao, hindi na siya maloloko ng iba.
Akala ko kapag matalino ang isang tao, di na siya magpapadala sa mga pangako.
Akala ko kapag matalino ang isang tao, di na siya masasaktan sa larangan ng pag-ibig
Akala ko lang pala yun...

Ang totoo kahit sila ay nasasaktan din pala sa pagibig. Ang totoo mas hirap silang humanap ng taong seseryoso sa kanila, at taong makikiride on sa trip nila. Nakakalungkot isipin ang nangyayari sa kaibigan kong ubod ng talino. Nangako pa siya siya na walang iwanan pero sa huli siya rin pala ang unang lilisan sa relasyong nabuo ng ilang taon dulot ng kanyang pagiisa. Dumating ang kaibigan ko ngunit siya lamang ay naging pamalit panandalian. Isang larawan lamang siya ng pagkatao ng taong minsan niya pinangarap na maging kasama sa hirap at ligaya. Naging masaya ang bawat araw sa piling ng isa't isa. Sabay silang umuwi galing sa eskuwelahan, palaging magkausap mapa-facebook man o personal, palaging makasama sa loob ng silid-aralan. Tila ba'y eto ang hudyat na lumalalim na ang kanilang samahan hanggang nakaraang buwan laman ay biglang nanumbalik ang tamis ng samahan ng noong akala kong kasintahan ng kaibigan ko sa tunay niyang gusto.

Ang mundo ay biglang nagunaw sa kaibigan ko kasabay ng paglamig ng bawat pangyayari at, oo, nawala na ng lubusan ang tamis na dati ay tila ba'y di na mapaghihiwalay ng ninuman. Ang kaibigan ko lang pala ay nagsilbing larawan ng kasintahang habambuhay niyang pinapangarap. Walang magawa ang kaibigan ko. Kahit ang matalinong tao walang magawa sa panahong lilisan na ang mahal mo at iiwan ka na para hanapin ang tunay nilang mahal. Ganyan siguro tlga ang buhay.

At sa huli, hindi siguro lahat ng gusto mo mapapasayo

-nabski