Wednesday, December 10, 2014
Sikreto. Sikreto ng bayan.
nagkaalitan kayo. Kayo lang dapat ang nakakaalam. Pero naiinis siya sau kaya sinabi niya sa isa. hanggang sa sinabi na niya sa lahat. Hanggang sa buong klase na nakakaalam. Makakarating pa yan sa ibang year level. HA-HA-HA. Sikreto lang yan ihhh
Ask.Fm
Nagalit ka sakin dahil sa ask. Pero naga-ask ka pa din hanggang ngaun? Parabang yung tipong sinaktan ka nung lalaking minahal mo pero binalikan mo pa rin. aba matinde -_-
Truth. No lies. Strictly truth
I should have never told you the truth if the truth will split us apart :(
Monday, September 22, 2014
Feeling mo lang
Nakarelate ka lang sa tweet ko, feeling mo ikaw na pinapatamaan ko. Oyyy hindi ikaw yun. Hindi lang sayo umiikot mundo ko hahaha. Pero kung feeling mo ikaw un, wag na magpatutsada. Baguhin mo na lang ang masamang attitude at maging mature ka sa social media. Mag-18 ka na pero parang 10 yrs. old ka umasta!
Wednesday, September 17, 2014
Sweet Nothing
Alam mo blogger ikaw lang talaga masasabihan ko nito eh haha. Takteng yan. Sweet Words lang nadala ka na kasi agad. Parang kang bata na pag binigyan ng masarap na pagkain, kakain agad at sasama pa sayo. At samantalang ako. dati pa umeeffort. DATI PA! Hindi ko lang talaga alam kung manhid ka o hindi mo lang ako pinapansin o ayaw mo lang talaga saken. Kahit ano pa dyan, nakakainis isipin na mas mahal mo pa rin siya. Ewan!
Tuesday, September 16, 2014
Blocked ka Friend!
Kaya pala hindi matawagan kasi nakablock ang number ko sa phonebook mo. Eh may kailangan ako sabihin kanina. Buti nakita kita. Paano kaya kung hindi kita natawagan tapos may emergency. Parang ewan ka eh. Hindi ko alam kung iniiwasan mo ko. Kaibigan pa naman kita. Ang malalala close pa tayo. Ang mas malalala at masaklap pa direkta mong sinabi saken un at natawa ka pa. pssssh. Block kaya kita sa FB at Twitter tapos burahin ko number mo sa phonebook ko ng ma-"WHO YOU?" ka? Magagawa ko ba yun? Mahal kita eh.
Saturday, September 13, 2014
kaibigan nga ba?
Kung ituring ka niya... Parang kapatid ka. Kilala ka pa nga ng buong pamilya eh. Kilala ka ng ibang friends niya. Lagi kayong magkasabay kapag pauwi galing school. Magkwekwentuhan. Maghaharutan. Magbabaliw-baliwan. Nagsasabihan ng sikreto. Masaya siya kasama at gusto niyo lagi kayo magkasama kahit may trabaho na kayo. At pag ako ang kasama, school - bahay lang kami. walang gala. sapat na ang magkasama kami. :) Wala daw iwanan. Sobrang lapit ng loob niyo na minsan napagkakamalan pa kayong magsyota hahaha. Pero dati yun. Iba na ang panahon ngayon. Nakakilala na siya ng bagong kaibigan. Ang iba ay bad influence pa kaya napapagabi na siya ng uwi, gumagala na. Mga BAGONG kaibigan na mas madalas na niya kasama kesa sakin. Tila ba'y nawala na yung pangako na walang iwanan at laging kasabay pauwi. Hindi na siya nagkwekwento masyado sakin. Madalas na may tinatago sakin. Dahil sa barkada niya, napapagalitan na siya sa bahay. Nasira ang tiwala sa kanya ng pamilya niya. Basta naging darkest moments niya yon. Pero ako ay laging andito. Hindi ko naman siya kayang iwanan. Although, may tampo ako sa kanya. Pag lumalapit siya sakin nawawala yun. Ganyan ko siya kamahal. Pinayuhan ko siya na umuwi na ng maaga lagi at iwasang gumala lagi para ma-regain niya ang trust ng magulang. At ayun bumalik na naman kami sa dati. Naguusap at nagsasabay na naman kami madalas. Pero may napansin ako. Hindi na siya katulad ng dati na sobrang masiyahin. Anong nangyare? Nagiwan ng bakas ang mga naranasan niya sa mga kaibigan niyang bago. Naging mas pilosopo na siya ngayon. Ewan ko ba pero mahal ko siya eh. Hanggang ngayon ganyan siya. Pero natutunan ko na siyang pakisamahan. Ang tanging nangyari lamang ay parang hindi na kami ganun kaclose talaga. mas pinipili niyang sumama sa kanila. Ngunit sino ba ako para pigilan siya? Buhay niya yan at ako ay nandito lamang para i-guide, alagaan at protektahan siya kahit hindi alam kong hindi niya masuklian yun. Ganun ko siya kamahal.
Lalaki ka. Magpakumababa
Kahit na ikaw siguro ang sa tingin mong tama, matutong kainin ang pride. Kahit anong mangyari, ang lalaki pa rin ang simbulo dapat ng pagiging kalmado sa relasyon. Don't hurt her. You will only bring her bruises and will hurt her for real --- physically and mentally. Be nice to a girl and you will live a healthy relationship. Doesn't mean you have to be an underdog. But you have to be patient and let love heal it's wound. Don't let a conflict leave a scar that both of you will suffer for a lifetime. Ako kasi I love her pero pag nagaaway kami hindi na lang ako umiimik. bahala siya dumakdak hahaha mapapagod din yan. :)
Friday, September 12, 2014
Nagseselos ako.
Nagseselos ako pero hindi dapat.
Wala namang namamagitan samin eh. Hayaan ko na lang. Mahirap namang istress mo yung sarili mo para sa taong hindi ka man lamang masusuklian ng ganung klaseng pagmamahal. HAHA. Mas mahal niya pa yung isa na hindi nagiging totoo sa kanya. Bakit siya nagpapakabaliw sa sinungaling? Hayaan ko na. Hahanap na lang kaya ako ng iba? o antayin ko na lang yung panahong marealize niyang mas karapatdapat ako sa kanya. HAHA. kelan pa yun mangyayari?
Wala namang namamagitan samin eh. Hayaan ko na lang. Mahirap namang istress mo yung sarili mo para sa taong hindi ka man lamang masusuklian ng ganung klaseng pagmamahal. HAHA. Mas mahal niya pa yung isa na hindi nagiging totoo sa kanya. Bakit siya nagpapakabaliw sa sinungaling? Hayaan ko na. Hahanap na lang kaya ako ng iba? o antayin ko na lang yung panahong marealize niyang mas karapatdapat ako sa kanya. HAHA. kelan pa yun mangyayari?
Effort.
Sobra na nga umeffort ee. para kang TAE na MATIGAS kasi. Ang hirap mong ilabas kahit todo EFFORT na sa pagire. -_- Minsan ang effort ay one sided lamang. Masama yan. Para kang naghahabol niyan sa kanya. Iwanan mo nga. Tignan natin kung hindi umiyak yan! Natake for granted ka na eh.
Move On.
Matutong magmove-on dahil si Sakura na lang ang may Healing Powers! Ang pagmo-move on ay parang pagrereview sa exam. Habang andyan ang cellphone mo sa tabi mo, hindi ka makakapagaral ng maayos. Kaya itapon mo na yang cellphone mo at magaral ka na muna. Wag malandi!
Concerned lang
May mga tao talagang parang ewan. Concerned ka lang sasabihin nila OA. Masyado lang ako magisip. Hindi nila alam na para sa ikabubuti nila iyon. Matuto kang makinig. Ikaw din ang makikinabang sa sasabihin nila. Hindi ka papayuhan ng kaibigan para masaktan, kundi para gumaan at umayos ang buhay mo.
Subscribe to:
Posts (Atom)