Nasa simula lang ba masaya ang relasyon lagi? kapag nagtagal na wala nang tamis? parang ilaw ba ito na unti unti na napupundi habang tumatagal?
Ang pag-ibig ay "
UNCONDITIONAL" 'di ba? Bakit ngayon parang hindi na ganun yung nakikita ko? Mas napapalala pa ang problema dahil sa simpleng alitan o 'di pagkakaunawaan? Naiisip ko nga na 'di ba responsibilidad ng lalaki na pasayahin ang babae at dapat siya ang magpaunawa dito na walang imposible kung sila ay magkasama.
Love pushes us to go beyond our limits.
Pero hindi naman nangyayari yun eh. Mas bumibigat ang problema ngayon ni babae? so Ibig sabihin hindi mo talaga mahal yung babae? o hindi ka talaga tunay na lalaki? Eto kasi ang naiisip ko na dahilan eh.
Isang araw, umiiyak si babae sa isang ilalim ng kumot niya. Tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Akala ko nung una dahil sa hirap ng gawain sa school. nalaman ko na mali ako sa aking hinala. Ang totoo daw ay medyo napapaisip siya kung may tama daw siyang nagawa sa kanila ni lalaki. Hindi na din niya kasi madalas makausap si lalaki dahil sa dami ng gawain sa school. Eto yung feeling na...
"Wala pa nga pero mukhang wala na" - George Narag
At ayun. Umiiyak si babae dahil kay lalaki. Mas matampuhin pa ang lalaki kaysa sa babae? mas naguunawa pa ang lalaki kaysa sa babae? Ano ba namang klaseng lalaki yan? Ang tanong tuloy ngayon ay... lalaki nga ba siya? Ayun lang ang concern ko.
Dapat bilang lalaki, matuto tayong umunawa sa emosyon ng babae. Maging sensitibo sa nararamdaman at tulungan siyang maging masaya lagi. Ipadama mo na ikaw ang perpektong lalaki para sa kanya. Dahil kung hindi... habambuhay na mauulit ang pangyayaring ito.