Sunday, September 20, 2015

Shitty man

Nasa simula lang ba masaya ang relasyon lagi? kapag nagtagal na wala nang tamis? parang ilaw ba ito na unti unti na napupundi habang tumatagal?

Ang pag-ibig ay "UNCONDITIONAL" 'di ba?  Bakit ngayon parang hindi na ganun yung nakikita ko? Mas napapalala pa ang problema dahil sa simpleng alitan o 'di pagkakaunawaan? Naiisip ko nga na 'di ba responsibilidad ng lalaki na pasayahin ang babae at dapat siya ang magpaunawa dito na walang imposible kung sila ay magkasama.
Love pushes us to go beyond our limits. 
 Pero hindi naman nangyayari yun eh. Mas bumibigat ang  problema ngayon ni babae? so Ibig sabihin hindi mo talaga mahal yung babae? o hindi ka talaga tunay na lalaki? Eto kasi ang naiisip ko na dahilan eh.

Isang araw, umiiyak si babae sa isang ilalim ng kumot niya. Tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Akala ko nung una dahil sa hirap ng gawain sa school. nalaman ko na mali ako sa aking hinala. Ang totoo daw ay medyo napapaisip siya kung may tama daw siyang nagawa sa kanila ni lalaki. Hindi na din niya kasi madalas makausap si lalaki dahil sa dami ng gawain sa school. Eto yung feeling na...

"Wala pa nga pero mukhang wala na" - George Narag

At ayun. Umiiyak si babae dahil kay lalaki. Mas matampuhin pa ang lalaki kaysa sa babae? mas naguunawa pa ang lalaki kaysa sa babae? Ano ba namang klaseng lalaki yan? Ang tanong tuloy ngayon ay... lalaki nga ba siya? Ayun lang ang concern ko.

Dapat bilang lalaki, matuto tayong umunawa sa emosyon ng babae. Maging sensitibo sa nararamdaman at tulungan siyang maging masaya lagi. Ipadama mo na ikaw ang perpektong lalaki para sa kanya. Dahil kung hindi... habambuhay na mauulit ang pangyayaring ito.

Tuesday, September 15, 2015

Kakabit pa o kakapit pa?

Mahigit labing walong taon na ako nabubuhay sa mundong ito pero hanggang ngayon hindi ko din maintindihan kung bakit ang mga tao ay hindi makuntento sa kung anong meron sila. Hindi naman masamang magambisyon para sa mas magandang bagay. Innovation ika nga ang tawag ng mga tao. Oo maganda ito sa pagusbong ng sibilisasyon ng tao. Pero dumating na tayo sa hangganan natin. Nararamdaman na natin ang epekto ng pagmamalabis ng tao na mapaganda ang buhay nito. Nauubos na ang mga likas na yaman natin. Ngunit may pangangailan pa ring nais na matugunan ang mga tao kaya kahit mulat tayo sa katotohanan na pagkaubos ng mga yaman natin, tuloy pa din tayong umaabuso sa paggamit nito para lang matugunan ang ating pangangailangan sa araw araw. Nasisira na ang mundo natin dahil sa aktibidad ng mga tao na tinatawag nilang Innovation.

Ganyan din sa pagibig. Mayroon ka ng kinakasama pero tila ba'y hindi ka pa din nakukuntento sa  kung anong meron ka. Siguro kaya lang humahanap ng iba ang tao ay dahil hindi talaga nila mahal ang isang tao. Pero kung hindi mo mahal, ba't mo paasahin pa ang isang tao? Sasabihin mo na mahal mo siya kahit hindi naman? Cool bang tignan ang isang lalaki na maraming kinakasamang babae?

Sa panahon ngayon, matalino na ang mga tao at alam ng natin ngayon na hindi maganda ang madaming kang nilolokong babae. Isipin mo na lang ang kalagayan at pakiramdam nila pag nalaman nilang niloloko sila. Ansakit nun. Habang ikaw ay masayang nagliliwaliw kasama ang ibang babae, ang babaeng sinaktan mo ay nagmumukmok, maaaring hindi na kumakain, o maaari ding magpakamatay. Masakit ang maiwan lalo na ng taong minamahal mo. Mas tanggap ko pa nga na nagsisinungaling saken ang taong hindi ko kakilala kaysa sa malapit na tao saken kasi kapag mahal mo ang isang tao, ipagkakaloob mo sa kanya ang buong tiwala mosa kanya.

Ewan ko lang. Kung ako sa'yo magdedesisyon na ako. Timbangin mo kung sino ang mas mahal mo at kung saan ka mas sasaya. Walang masama sa pag-ibig hangga't hindi sumosobra. Ikaw naman na babae ay matutong makiramdam at isipin mo ang maaaring mangyare kapag in-entertain mo sya sa buhay mo. Tandaan mo maaaring maging biktima ka rin dito. Kaya habang maaga pag isipan nyo ang mga bagay na yan. Isipin niyong hindi lang kayo ang taong apektado sa usaping yan.


Contentment will come when you drop the search and you live each moment as it comes, Marry yourself to the divine principles of love, honesty, trust and humility, then you shall enjoy this earth with peace and with what you desire most. - Kemmy Nola

written by: nananabs




Wednesday, December 10, 2014

Sikreto. Sikreto ng bayan.

nagkaalitan kayo. Kayo lang dapat ang nakakaalam. Pero naiinis siya sau kaya sinabi niya sa isa. hanggang sa sinabi na niya sa lahat. Hanggang sa buong klase na nakakaalam. Makakarating pa yan sa ibang year level. HA-HA-HA. Sikreto lang yan ihhh

Ask.Fm

Nagalit ka sakin dahil sa ask. Pero naga-ask ka pa din hanggang ngaun? Parabang yung tipong sinaktan ka nung lalaking minahal mo pero binalikan mo pa rin. aba matinde -_-

Truth. No lies. Strictly truth

I should have never told you the truth if the truth will split us apart :(

Monday, September 22, 2014

Feeling mo lang

Nakarelate ka lang sa tweet ko, feeling mo ikaw na pinapatamaan ko. Oyyy hindi ikaw yun. Hindi lang sayo umiikot mundo ko hahaha. Pero kung feeling mo ikaw un, wag na magpatutsada. Baguhin mo na lang ang masamang attitude at maging mature ka sa social media. Mag-18 ka na pero parang 10 yrs. old ka umasta!

Wednesday, September 17, 2014

Sweet Nothing

Alam mo blogger ikaw lang talaga masasabihan ko nito eh haha. Takteng yan. Sweet Words lang nadala ka na kasi agad. Parang kang bata na pag binigyan ng masarap na pagkain, kakain agad at sasama pa sayo. At samantalang ako. dati pa umeeffort. DATI PA! Hindi ko lang talaga alam kung manhid ka o hindi mo lang ako pinapansin o ayaw mo lang talaga saken. Kahit ano pa dyan, nakakainis isipin na mas mahal mo pa rin siya. Ewan!