Saturday, November 7, 2015

Aking Nadarama

Mahirap makita na ang taong mahal mo ay may kasama nang iba. Kahit hindi naging kayo, kinakailangan mo pa ding magmove on eh. Minsan talaga may bagay na kahit gaano na kaobvious di mo pa rin napapansin. Pero masaya na rin ako na ganito. Masaya ka. Masaya din ako pag nagtutuon ka ng oras saken. Pero iba pa rin yung feeling na magsyota kayo. hahaha. Pero napapaisip ako na baka hindi pa ako ganun handa at baka may perfect timing talaga ang tadhana para sa tamang babae na dumating sa buhay ko. Pero, kahit na ganun pa man, gusto kong malaman mo na andito lang ako at pagsisilbihan kita kahit na alam kong malabong mapasaakin ka. Siguro nga, hindi bagay sa akin ang magandang nilalang na gaya mo. Kahit na anong mangyare mamahalin kita ng buo. Hindi ko alam kung pano ko ieexpress kung gaano kita kamahal basta andito lang ako.

At sa dulo ng akdang ito, sana, kung mabasa mo ito, malaman mo na ikaw ang tinutukoy ko. Wag masyadong manhid. mahirap yun pre. Yown lang i love you. HAHAHA

PS: Mahirap maging NGSB HAHAHAHA!

Friday, October 30, 2015

'Di Sana Masira

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, isa ka sa dahilan kung bakit ako ngumingiti. Isa kang dahilan kung bakit ako bumabangon ng nakangiti. Isa kang dahilan kung bakit ako nagoonline bago pumasok. Isa ka sa dahilan kung bakit hindi ako tinatamad pumasok. Isa ka sa dahilan kung bakit palagi ako nakatambay sa CEA kahit wala nang klase. Isa kang sa dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Kaya naman napakahaga mo sa buhay ko kasi binubuo mo ang araw ko. Kung wala ka, malungkot ako. Kung wala ka, baka nagdrop na ako. Kung wala ka, baka inactive ako online. At kung wala ka, baka hindi na ako gumising para sa bagong umaga.


Marami ang may ayaw sayo. Marami ang hindi nagagandahan sa ugali mo. Andaming rason ara hindi kita magustuhan. Pero, hindi alam ng iba, mas marami ang dahilan para magustuhan kita. Ang ganda mo. Ang bait mo. Ang caring mo. Ang sweet mo. Napakamasiyahin mo. Napakagago mo. Napakadali mong makavibes. Walang kaarte arte sa katawan. Simple lang.


At kahit na may iba ka nang gusto ngayon. Kahit na may boyfriend ka na, gusto ko lang malaman mo na lagi lang ako andito para sayo. Kahit na siguro hindi talaga tayo meant to be, always remember, kung mabasa mo man, na minahal kita at ayun mamahalin kita, hindi man bilang boyfriend, kundi bilang kaibigan. Sisiguraduhin kong you will feel special when you are with me. Sisiguraduhin kong masaya ka pag kasama ako. At sisiguraduhin kong walang mananakit sayo pag magkasama tayo. Wag ka lang talaga sasaktan niyan boyfriend mo kundi mapapatay ko yan.


Last thing, kung mabasa mo man ito bago pa ako umamin sayo ng nararamdaman ko (kung umamin man), sana maintindihan mo ako at hindi ka mailang saken. please. Ayokong mawala ka sa buhay ko kahit bilang kaibigan. Sana yung nabuo nating relasyon ay matibay na para hindi masira ng ganitong pag amin.. hahaha. At ayun.

Pure love is a willingness to give without a thought of receiving anything in return.
- Peace Pilgrim

-nabski

Thursday, September 24, 2015

Makampi kampi

Ang Social Media ngayon ay sobrang laki na at pati ang mga away dito ay lumalaki na din. Bakit? Dahil yan sa mga taong nagssume na sila ang pinapatamaan ng isang panig at ang iba naman ay dahil sa hindi marunong umintindi sa mga sinasabi sa kanila. Naghahanap pa yan ng mga kakampi. Magsasabi sila na....

"Kaya kong magisa. Humanap ka na ng kakampi..."

Pero ito lang ay isang move nila para makakuha sila ng simpatiya sa mga kaibigan niya.  Pero sa totoo lang hindi talaga siya ang pinapatamaan. Kaya't hindi ko na papatulan ang ganyan dahil ang lalaking pumatol sa isang bakla, ay mas malala pa sa isang bakla.Magsama sama na lang kayo diyan at bumuo kayo ng federasyon HAHAH.

Tignan mo ngayon. Nanahimik na ako. Nagsabi pa sya na mananahimik na sya pero dada pa ren ng dada. Sinong bading ngayon? hahaha. Naaawa ako sayo. At ayan na rin ang resbak niya. ahahaha sige lang tuloy lang kayo. 
Peace on earth!

Sunday, September 20, 2015

Shitty man

Nasa simula lang ba masaya ang relasyon lagi? kapag nagtagal na wala nang tamis? parang ilaw ba ito na unti unti na napupundi habang tumatagal?

Ang pag-ibig ay "UNCONDITIONAL" 'di ba?  Bakit ngayon parang hindi na ganun yung nakikita ko? Mas napapalala pa ang problema dahil sa simpleng alitan o 'di pagkakaunawaan? Naiisip ko nga na 'di ba responsibilidad ng lalaki na pasayahin ang babae at dapat siya ang magpaunawa dito na walang imposible kung sila ay magkasama.
Love pushes us to go beyond our limits. 
 Pero hindi naman nangyayari yun eh. Mas bumibigat ang  problema ngayon ni babae? so Ibig sabihin hindi mo talaga mahal yung babae? o hindi ka talaga tunay na lalaki? Eto kasi ang naiisip ko na dahilan eh.

Isang araw, umiiyak si babae sa isang ilalim ng kumot niya. Tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Akala ko nung una dahil sa hirap ng gawain sa school. nalaman ko na mali ako sa aking hinala. Ang totoo daw ay medyo napapaisip siya kung may tama daw siyang nagawa sa kanila ni lalaki. Hindi na din niya kasi madalas makausap si lalaki dahil sa dami ng gawain sa school. Eto yung feeling na...

"Wala pa nga pero mukhang wala na" - George Narag

At ayun. Umiiyak si babae dahil kay lalaki. Mas matampuhin pa ang lalaki kaysa sa babae? mas naguunawa pa ang lalaki kaysa sa babae? Ano ba namang klaseng lalaki yan? Ang tanong tuloy ngayon ay... lalaki nga ba siya? Ayun lang ang concern ko.

Dapat bilang lalaki, matuto tayong umunawa sa emosyon ng babae. Maging sensitibo sa nararamdaman at tulungan siyang maging masaya lagi. Ipadama mo na ikaw ang perpektong lalaki para sa kanya. Dahil kung hindi... habambuhay na mauulit ang pangyayaring ito.

Tuesday, September 15, 2015

Kakabit pa o kakapit pa?

Mahigit labing walong taon na ako nabubuhay sa mundong ito pero hanggang ngayon hindi ko din maintindihan kung bakit ang mga tao ay hindi makuntento sa kung anong meron sila. Hindi naman masamang magambisyon para sa mas magandang bagay. Innovation ika nga ang tawag ng mga tao. Oo maganda ito sa pagusbong ng sibilisasyon ng tao. Pero dumating na tayo sa hangganan natin. Nararamdaman na natin ang epekto ng pagmamalabis ng tao na mapaganda ang buhay nito. Nauubos na ang mga likas na yaman natin. Ngunit may pangangailan pa ring nais na matugunan ang mga tao kaya kahit mulat tayo sa katotohanan na pagkaubos ng mga yaman natin, tuloy pa din tayong umaabuso sa paggamit nito para lang matugunan ang ating pangangailangan sa araw araw. Nasisira na ang mundo natin dahil sa aktibidad ng mga tao na tinatawag nilang Innovation.

Ganyan din sa pagibig. Mayroon ka ng kinakasama pero tila ba'y hindi ka pa din nakukuntento sa  kung anong meron ka. Siguro kaya lang humahanap ng iba ang tao ay dahil hindi talaga nila mahal ang isang tao. Pero kung hindi mo mahal, ba't mo paasahin pa ang isang tao? Sasabihin mo na mahal mo siya kahit hindi naman? Cool bang tignan ang isang lalaki na maraming kinakasamang babae?

Sa panahon ngayon, matalino na ang mga tao at alam ng natin ngayon na hindi maganda ang madaming kang nilolokong babae. Isipin mo na lang ang kalagayan at pakiramdam nila pag nalaman nilang niloloko sila. Ansakit nun. Habang ikaw ay masayang nagliliwaliw kasama ang ibang babae, ang babaeng sinaktan mo ay nagmumukmok, maaaring hindi na kumakain, o maaari ding magpakamatay. Masakit ang maiwan lalo na ng taong minamahal mo. Mas tanggap ko pa nga na nagsisinungaling saken ang taong hindi ko kakilala kaysa sa malapit na tao saken kasi kapag mahal mo ang isang tao, ipagkakaloob mo sa kanya ang buong tiwala mosa kanya.

Ewan ko lang. Kung ako sa'yo magdedesisyon na ako. Timbangin mo kung sino ang mas mahal mo at kung saan ka mas sasaya. Walang masama sa pag-ibig hangga't hindi sumosobra. Ikaw naman na babae ay matutong makiramdam at isipin mo ang maaaring mangyare kapag in-entertain mo sya sa buhay mo. Tandaan mo maaaring maging biktima ka rin dito. Kaya habang maaga pag isipan nyo ang mga bagay na yan. Isipin niyong hindi lang kayo ang taong apektado sa usaping yan.


Contentment will come when you drop the search and you live each moment as it comes, Marry yourself to the divine principles of love, honesty, trust and humility, then you shall enjoy this earth with peace and with what you desire most. - Kemmy Nola

written by: nananabs